Ang halaga at kasiyahan mula sa isang laruan.

“Kung tumbling car sakin eh ano naman ang sa kanila?”

Toy kingdom, clippers at blue magic ay ilan lang sa mga paborito kong puntahan kapag bumibili ng laruan. Batid sa ating kaalaman na madalas kapag laruan ang pinag-uusapan ang pangunahing batayan ng halaga nito ay ang literal na halaga pagbinili sya sa merkado, ibig sabihin na ang presyon nito at madalas ay pati ang pangalan na nakatatak dito. Presyo at brand din ang aking batayan ng halaga ng laruan noon, siguro dahil ako ay nabiyayaan ng magaganda at mahahaling laruan nung aking kabataan. Halos lahat ng kapitbahay namin kapag napapadaan ay makikita mo sa mata nila ang inggit sa amin dahil sa mga laruan sa bahay.

Pero habang tumatagal nababatid ko na ang dami palang laruan sa mundo, may mamahalin at mumurahin, may gawa ng sikat at malalaking kumpanya at may iba naman na gawa lang ng batang nais maging maligaya. Taliwas sa aking batayan ng halaga ng laruan ang nais kong ipakita ngayon; gusto kong ipakita ang halaga ng laruan batay sa saya at sa batang nagmamay-ari dito dahil kumbinsido parin ako na luma man o bago, mamahalin o pipitsugin, sikat o weirdo maaring mag kaparehas ang halaga nito base sa taong naglalaro.

Xbox at PSP ang isa sa mga nangunguna sa wish list kapag pasko, ito ang makabago at mas magandang bersyon sa larangan ng computer games. At sa pagtatarabaho ko sa isa mga kompanyang gumagawa nito naranasan ko na maiyakan ng isang magulang dahil ika nya di magiging masaya ang anak sa pasko kapag nabigong ibagay ang regalong xbox.

Larawan mula sa bing search engine.

Ako naman noong nakaraang pasko tumbling car naman ang nabili ko at talagang namang natuwa ako sa pag tatambling-tambling nito lalo na sa makukulay na ilaw, ngunit kung pagbabasehan ang saya na nadarama ko kumpara sa mga bata sa probinsya na naghahalak-hakan gamit ang simpleng jeep-jeepan na gawa sa bunga ng kapok at piraso ng ting ting ay masasabi ko ring sana di nalang ako gumastos ng isang libo.

 

Kilala nyo si Shaira Luna? Isang siyang gifted child, naalala ko sabi nya sa isang tv interview na ang laruan niya noong kabataan niya ay palaka na dena-disect habang pinag-aaralan ang iba’t-ibang parte ng munti nitong katawan. Nalaman man niya kinalaunan na hindi pala ito ang tunay na laruan ngunit gayun pa man minsan nya itong kinagiliwan.

 

Larawan mula sa google search engine.

Ang baril na ito, bagamat delikado ngunit para sa mga bata na ipinanganak sa gubat ng kaguluhan at labanan pangarap nila itong hawakan at pag-laruan, kaya madalas pagdating ng sampung taong gulang eh totoong baril na ang kanilang laruan at sa labanan nakikipag bakbakan.

Larawan mula sa google search engine.

 Ang imahing ito ay isa sa mga larawan na nagmulat sa akin na kung maraming bata ang nagtatapon ng laruan dahil ito’y kanila nang pinagsawaan ay may iba naman na bungo ang pinagtyatyagaan, wala man silang mapagpilian nagging masaya naman sila sa wierdong laruan.

 

Larawan mula sa isang chain email na may pamagat na "Complain less, give more".

Nakakatawa diba? Ang iba nagrereklamo sa PSP na mahina ang baterya ngunit may iba, ipinagbubunyi ang lumang manika. Siguro yan ang isang hiwaga na dala ng isang laruan sa buhay ng sinuman, isa sya sa salamin ng iba’t-ibang saya at pagpapahalaga.

 

Ang blog na ito ay kalahok sa Saranggola blog awards 3.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s