Eroplanong Papel

“Ang inspirasyon ng istoryang ito ay hinango sa totoong buhay ng isang kaibigan na nakatira sa malayong probinsya sa mindanao.”

Kuya! kuya! ang tawag ni toto sa kuya nya nang makita itong palabas ng bahay dala ang malaking bag.

Lumingon si Aldo sa kapatid na nakapatong sa lamesa sa kusina at nagsususlat. “Kuya aalis ka ba? papunta kang bayan? sama mo ako!” sambit ni toto.

“Toto, dito ka lang samahan at alagaan mo si mama at masyadong malayo ang pupuntahan ko mamimiss ka nila mama pag sinama kita.” Paliwanag ni Aldo. “Ganun ba? Sige dito nalang ako sa bahay, pero kuya pangako lagi mo kaming dalawin at dalhan ng pasalubong kung hindi, pupuntahan nalang kita pag malaki na ako!” masiglang sabi ng kapatid.

Gumawa ng eroplanong papel si Aldo para sa kapatid at inabot nya ito. “Ayan ang eroplano, itatago mo yan malay mo dalhin ka nyan sakin.”

Mabilis na lumipas ang labing limang taon at ni-minsan ay hindi na nakabalik si Aldo.

“Hoi! anong nangyayari sa’yo?” Sambit ni ging-ging sa kasintahang si toto ng makitang may namumuong luha sa mata habang minamasdan ang mga batang nag lalaro ng eroplanong papel.

“Wala, wala, napupuwing lang ako haha!” sinabi man ni toto na wala syang iniisip batid ni ging-ging na malungkot ang kasintahan. “May nalala kaba o iniisip? malapit na tayong ikasal kaya kung ano man ang pinapasan mo eh dapat kong malaman”.

“Hay” halatang nagpipgil sa pagpatak ng luha si toto. “alam mo naalala ko kasi si kuya, bago sya umalis ng bahay ginawan nya ako ng eroplanong papel at sinabi nya na baka dalhin ako nun papunta sa kanya.” huminga ng malalim at nagpatuloy.”pero masyadong maliit yun para sakyan ko.”

Hinaplos ni ging-ging ang likod ng kasintahan para ibsan ang kalungkutan nito. “Saan ba sya ngayon?” tanong ni gingging. “Ang kwento ng tiyuhin ko ay nag-asawa na daw at nakatira sa isang sityo sa munisipyo ng Kamoron kasama nya dun ang asawa’t anak nya.” tugon ni toto.

“Kung ganun eh siguro tama na ang isang libo para mapuntahan mo sila!, yung pambili ko ng isusuot sa kasal gamitin mo nalang muna”. Ngumiti si toto at sinabi. “Wag na, sabi ng tiyo may mas murang daan daw papunta dun! sabi nya dun sila dumaan ng kuya ko.”

“Oh e di puntahan mo sila.” walang pag aalinlangan sabi ni ging-ging.

Lumipas ang isang buwan, pitong araw bago ang kasal.

“Ging! eto na yung gown natapos ko nang sulsihin. Pwede mo na syang isukat” ang masayang sabi ng mananahi kay ging-ging. Isang kapitbahay ang biglaang lumapit sabay sabing – “naku wag mo isusukat yan! sabi ng mga matatanda malas daw yun!”

“Naku aling Lita, hindi po totoo yun!” sabat naman ng anak ng mananahi. “Oo, marami nang nagpatahi ng gown at halos lahat ay sinusukat bago ang kasal!” pagsang-ayon ni aling nora, ina ni ging-ging. Hindi kumibo si ging-ging at ngumiti lang na nakatitig sa gown. Nakikita sa mata nya ang pagdadalawang isip na magsukat ngunit paglipas ng ilang saglit ay sinukat din nya ito.

Masayang masaya sya na makitang sukat na sukat ang damit sa kanya.

Anim na araw nalang bago ang kasal, nagising ng maaga si ging-ging agad syang bumangon at napansin ang isang bibliya sa kama na nakapatong sa isang liham. Kinuha nya ang liham at binasa.
———————————————————————————————————————-
“Mahal ko,

Ging pasensya na at di na ako nakapag-paalam kasi iniisip ko baka di mo ako payagan. Alam kong mali pero gusto ko talagang makita ang kuya.

Iniwan ko ang aking bibliya, itago mo yan at ipanalangin mo na malayo ako sa kapahamakan, nakaiipit din dyan yung eroplanong papel na ginawa ni kuya. Gusto ko sana syang dalhin ngunit naisip ko na yan na lang ang tanging alala ko sa kanya kaya ipagkakatiwala ko ang laruang yan sa’yo.

Ging, wag kang mag-alala babalik ako sa loob ng tatlong araw at kung hindi, puntahan mo si tiyo at alam nya kung san ako maaring hanapin.

                                                                Lagi mong tandaan mahal kita. Toto.”
———————————————————————————————————————-

Maluha-luha si gingging habang binabasa ang sulat sa harapan ng ama’t ina nya. Ngunit matapang nyang hinarap ang mga araw bago ang kasal. Pumunta sya sa seminar ng mag-isa. Hindi nakaapekto sa kanya ang ini-isip at sinasabi ng iba tungkol sa pag-aasikaso nya sa kasal ng mag-isa.

Ikatlong araw simula nung umalis si toto ay maghapong nakaupo si ging-ging sa labas ng bahay at naghihintay kay toto na nangakong uuwi sa araw na iyon. Ngunit walang toto na dumating. Sa araw na iyon tila di na maipinta ang mukha ni ging-ging, balisa sya at tila di mawari ang gagawin.

Kinabukasan, pinuntahan ni Aling Nora at ging-ging ang tiyo ni toto gaya ng sinai nito sa sulat pag di sya nakabalik sa loob ng tatlong araw.

Tao po! andyan po ba si Mang Oding?

Ohhhhh! andito ako sa likod ng bahay! sino sila?

Si Nora at ging-ging po!

Lumapit ang isang matanda sa mag ina at nalaman ang sadya nito.

“Nako! anong pumasok sa isip nya at ba’t sya pumunta dun? Lagi ko syang pinipigilang pumunta at ako nga ay di na dumaan ulit sa dinaanan naming yun.” pag aalalang sabi ng matanda. “–”Masyadong delikado ang daan na tinahak nya alam nyo ba yun? mang-gagaling sila sa munisipyo ng Marangan, mula doon ay may isang bundok na tatawirin para maka-abot sa munisipyo ng Kamoron. Nung dumaan kami dun inabot kami ng isang buong araw sa gubat.” umiiling ang ulo ng matanda. ” Matigas talaga ang ulo ng batang yan! Mabangis ang lugar na yun lalo na ngayon na maulan at siguradong wala sya masisilungan sa buong araw na paglalakad at kasagsagan pa ng kaguluhan.”

Alam ng lahat na ang parehong lugar na dadaanan nya ay kuta ng mga rebelde at kasalukuyang nililinis ng mga militar. Marami nang naitalang nawawala sa lugar na iyon at nakikita nalang nalang ang bangkay.

Limang araw na nawawala si toto at kinabukasan na ang kasal nila, ngunit wala paring balita patungkol sa kanya. Ang buong pamilya ay kinakabahan. Halos lahat masama ang iniisip. Maramig haka-haka na baka nabihag na ng mga rebelde, ang iba naman ay baka nadisgrasya sa gubat kasi kakaulan lang ng napakalakas nung nakaraang araw, ang iba naman eh nag sisihan dapat daw hindi sinukat ang gown.

Pumatak ang alas-dose ng umaga, araw ng kasal.

Gising ang lahat ngunit walang may ganang mag-handa dahil lahat ay nag-aalala. Si ging-ging nakaupo lang sa labas ng bahay at hawak-hawak ang bibliya at ang eroplanong laruan, umaasa na darating si toto.

Pag patak ng bandang ala-una– pagod na ang lahat at halos wala nang pag-asa na darating si toto sa kasal nila ng alas-otso ng umaga sa araw ding yon, kaya natulog na ang lahat maliban kay ging-ging at Aling Nora.

“Ging, Pasok na tayo at matulog. Noong nakaraang araw ka pa walang maayos na pahinga, baka magkasakit ka na nyan.” sambit ng ina sa anak. Tumulo ang luha ni ging-ging at niyakap ang ina at natulog ng may pagsasang-ayon na di na makakarating ang mapapangasawa kahit di naman ito nabangit ng ina.

Pagulong-gulong sa higaan si ging-ging, pagod ngunit di makatulog. Labis ang kanyang pag aalala sa mapapangasawa. Sa mga oras na iyon iisa lang ang dalangin nya na sana ligtas si toto.

Kakaidlip lang nya nang marinig ang boses ng umiiyak na ina”Ging-ging!!”.

Bigla syang kinabahan at wala sa sariling tumayo.

Hindi sya lubos makapaniwala sa nakita — si toto nakatayo sa may salas kasama ang kuya nito.

Sinalubong ni toto si ging-ging yumakap ng mahigpit at bumulong “Patawarin mo ako, naisip ko na hindi ko masasakyan ang eroplanong papel papunta sa kuya ko pero sapat na ang lakas ng loob at inspirasyon na binigay ng laruan para marating ko sya at makumpleto ang araw na ito.”

Sa kabila ng kakulangan ng paghahanda natuloy ang kasal nila toto at pagkalipas ng ilang taon ay ipinanganak si totoy. Ang unang laro ng mag ama ay ang pag papalipad ng eroplanong papel at lagi nya sinasabi sa anak na bumangon sa kabila ng paulit-ulit na pag bagsak, wag matakot lumipad ng mataas gaya ng eroplanong papel, at higit sa lahat manalig sa kanya.

Ang maikling kwento na ito kalahok sa Saranggola blog awards 3.

About these ads

One thought on “Eroplanong Papel

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s